message
history
theme
No Sacrifice, No Glory

     Naniniwala ako dito. Kailangan talagang magsacrifice para makuha mo ang isang bagay. Tiis -tiis lang at may mga magagandang resulta ang lalabas. Tiwala lang at magiging okay ang lahat. Kaya ko to. Sabi nga sa Bible, na walang pagsubok ang hindi natin kayang lagpasan. AMEN! Alam kong tututlungan ako ni God sa pagsubok na ito. 

Everlasting God!!!

This is it! Sobrang saya ko. Hahaha. Talagang hindi ako binibigo ni God! Sobrang answered prayer. :”))) Grabe. Nakakatuwa. Talagang hindi niya ako pinababayaan. I love you God!! :**

  • AKO: Kuya, saan mo pa ang **insertnameoftheBUILDINGhere** ?
  • MANONG GUARD: Ah, drecho ka lang tas makikita mo na.
  • AKO: Thanks po:)
  • MANONG GUARD: Mag-aapply ka? Galingan mo, good luck!
  • AKO: Opo. Thanks po:)

     Nakakatuwang isipin na may mga taong sumusuporta sa iyo. Kaso nakakaba lang kasi nag-eexpect din sila ng magagandang resulta. Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko sa tuwing nag-aapply ako. Alam ko naman na may magandang job ang nakareserve sa akin. Kung hindi man ako natatanggap sa mga inaapplayan ko, okay lang dahil marami naman akong natutunan dito. Think positive. Maraming magandang plano si God sa attin.

  • SILA: Ate, nag-asawa na si **insertHERnamehere**
  • AKO: Oh? Di ba ang bata pa noon? Bakit, nabuntis?
  • SILA: Hindi, matagal na daw silang mag-boyfriend kaya nag-asawa na siya.

     Alam ba ninyo kung ano ang tunay na pag-ibig? Si girl, 15years old nag-asawa dahil matagal na niyang boyfriend si boy. Hindi nasusukat ng tunay na pag-ibig sa haba ng relasyon ninyo. Hello! 15 ka pa lang! Puppy love lang yan. Di pa buo matress mo ine, tas mag-aasawa ka na? Susmaryosep. Kids these days. Di pa nga kayo nakaka-graduate ng highschool, kumire ka na. Di ka man lang ba maawa sa magulang mo na naghihirap na mag-paaral sa iyo? Sana yumaman ka sa ginawa mong iyan. Wala ngang trabaho yung boyfriend mo eh. Tuli na ba yan? Sorry sa mga terms. Nabigla lang talaga ako dahil sa pag-aasawa niya dahil sa gusto lang niya. KALOKA.

     Aral muna bago ang lahat. Tulungan niyo muna ang magulang ninyo bago kayo kumire. Seryoso, di uunlad ang buhay niyo pag-inuna niyo ang kati nyo sa katawan. LUGI KAYO.

     Campus Revolution. Ang pagshashare ng Word of God sa mga campuses. nagstart na kaming gawin ito. Pumupunta kami sa mga schools, including Bulacan State University. Eversy saturday ay nandun kami para magshare ng One Verse Evangelism: Romans 6:23. Di kami umaalis sa school hangga’t wala kaming nashasharan na isa.

     Nakakaba sa una. Kasi di mo naman sila kilala at di ka din naman nila kilala. Talagang kailangan mong lakasan ang loob mo sa gawain na ito. Pero kapag nandun ka na, habang nagshashare ka na, wala na yung kaba. Kapag nagshashare ka makikita mo sa mga mukha nila na ngayon lang nila ito narinig. Ang GOOD NEWS. So nakakatuwa kasi nagrerespond naman sila sa mga sinasabi ko o tinatanong ko sa kanila.

   Yung iba gusto nila na balikan sila next week para sharan pa sila ulet ng iba’t ibang message. Sobrang nakakablessed kapag nagshashare ka ng Word of God. Kasi ginagampanan mo naa ng mission mo dito sa earth.